1377165_660692077288960_1298894768_n

 

Vice President Jejomar C. Binay opened the Housing Fair today at Limketkai Mall, Cagayan de Oro City. The fair will run up to Sunday, September 29, 2013.

In today’s ceremony, Binay awarded 60 local government units for the completion and updating of their respective Comprehensive Land Use Plans, as part of the housing sector’s “CLUP Zero Backlog Program.” Photo below.

1231636_660692263955608_1180223238_n

Binay also distributed 251 Certificates of House and Lot Award to beneficiaries of NHA-CDO Bayanihan Village Phase 1, a resettlement project for the families affected by Typhoon Sendong. The project has a total land area of 4.7307 hectares and will generate 426 housing units with 50 square meter lot size and 21 square meter floor area. Photo below.

577977_660692390622262_454885791_n

Meanwhile, below is VP Binay’s speech:

Maayong buntag sa inyong tanan!

Halos dalawang taon na ang nakalilipas nang ang Cagayan De Oro at Iligan ay sinalanta ng isang malakas na bagyo na nagdulot ng napakalaking pinsala sa mga ari-arian at buhay ng mga kababayan natin dito. Ang bagyong Sendong ay isa sa mga kalamidad na hinding-hindi makalilimutan ng libo-libong pamilyang nawalan ng kapamilya, kamag-anak, o kaibigan, o ng mahigit labing-isang libong (11,000) mag-anak na nawalan ng tirahan at sumilong ng ilang buwan sa mga tent o nakisilong sa mga kamag-anak.

Ngunit talagang likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matatag sa anumang hamon, ang pagbangon makaraan ang unos.  At ito ay pinatunayan ng mga taga-Cagayan De Oro at taga-Iligan.

Sa pagtutulungan ng pamahalaang nasyonal at lokal, ng pribadong sektor, non-government organizations, at international organizations, muli ngang bumangon ang inyong dalawang siyudad.

Natutuwa ako na naging bahagi kami sa tambalan o partnership na ito ng pribadong sektor at ng mga ahensiyang aking pinamumunuan—ang National Housing Authority at Social Housing Finance Corporation.

Sa kasalukuyan, halos walong libong (8,000) bahay na ang ating naipatayo sa iba’t ibang resettlement sites para sa mga naapektuhan ng bagyong Sendong, at mahigit isang libo at isang daan pa ang ginagawa dito sa Cagayan at Iligan.

Tinitiyak po namin sa inyo na hindi na mauulit ang masaklap ninyong naranasan noong Disyembre 2011. Dahil ang inyo pong paglilipatan o resettlement sites ay hindi binabaha ayon sa pag-aaral ng mga eksperto.

Kasama rito ang Bayanihan Village Phase 1 sa Macapaya, Camaman-An, Cagayan  De Oro. Doon ay nagpamahagi tayo kanina ng certificate of house and lot award sa dalawang daan at limampung (250) benepisyaryo.

Bumuo din tayo ng mga patakaran o polisiya upang mas mapabilis ang pagproseso sa mga loan applications ng mga community associations. Sa bisa ng expresslane project ng Community Mortgage Program, mas madaling makabili ng lupang malayo sa danger areas.

Sa ngayon po, labintatlong (13) proyekto na ang ating naaprubahan na makikinabang ang mahigit walong daang (800) pamilyang naapektuhan ng Sendong. At kabilang rito ang Blessedville HOA, Bonbon United Neighborhood HOA, Grandville HOA at Monsanto HOA. Nagpapasalamat tayo sa mga may-ari ng mga lupang ito dahil pumayag silang ipagbili ang mga ito sa halagang abot-kaya ng mga komunidad.

Sa mga taga-komunidad ng bagong CMP projects, sana po ay tularan ninyo ang pagpupursige ng ibang CMP beneficiaries na nakatanggap na ng kanilang mga titulo. Katulad ng kauswagan Bonbon Interior Neighborhood, Zupla Chavez, Sixth Division Landless at Molugan Landless HOAs na ginawaran natin ng titulo kanina, mapapasainyo rin nang lubos ang inyong mga lupa basta’t huwag ninyo lang kaliligtaan ang inyong buwanang obligasyon.

Hindi madali ngunit kaya.  Yan ang dapat nating pakatandaan.

Kami po sa sektor ng pabahay ay puspusan ang pagtatrabaho hindi lang upang maibalik sa normal ang buhay ng ating mga kababayan dito. Dagdag diyan ay nais pa naming maparami ang mga pamilyang magkakaroon ng tahanan.

Kaya naman muli naming isinasagawa ang Housing Fair dito sa Region 10. Nasa pagtutulungan ito ng mga shelter agencies at ng mga miyembro ng Subdivision and Housing Developers Association o SHDA at dakbayan sa Cagayan De Oro.  Dito sa Housing Fair makabibili ang ating mga kababayan ng acquired assets ng aming mga ahensiya, katulad ng Pag-Ibig Fund at National Home Mortgage Finance Corporation, sa mababang halaga.  Bukod diyan, maaari rin silang magpahiram ng pondo para mabili ninyo ang mga bahay o lupa na kanilang inaalok.

Sa mga interesado naman sa brand new housing units, mayroon din kayong pagpipilian sa housing projects ng private developers.  May mga kasama rin tayo ngayong mga bangko na magpapahiram sa inyo ng pondo. Narito rin ang mga allied industries na puwede ninyong lapitan para sa inyong mga kailangan sa pagpapabahay tulad ng semento’t bakal.

At para buo ang aming serbisyo, isinama na namin ang lahat ng mga ahensiyang pabahay upang magbigay-kaalaman at sumagot sa inyong mga katanungan.

Kung pagtukoy naman ng lugar na angkop sa pabahay ang inyong hanap, narito ang mainam na kuwento ng mga opisyal ng animnapung (60) lokal na pamahalaan na kasama natin ngayon mula sa Region 10.  Sila po ay tumanggap ng mga plake at certificates bilang pagkilala sa kanilang mga nagawa sa pagbuo o pag-update ng kani-kanilang Comprehensive Land Use Plans o CLUP at zoning ordinances.  Ito po ay sa ilalim ng aming programang “CLUP Zero Backlog Program” na pinangungunahan ng Housing and Land Use Regulatory Board.

Mahalaga po ang CLUP dahil ang ating mga nasasakupang lupain ay may limitasyon. Kailangan nating planuhing maigi ang paggagamitan nito upang maging balanse ang pamamahagi ng mga lupain at  matukoy ang angkop sa agrikultura, industriyal, komersyal, at pabahay at isaalang-alang halimbawa ang mga kabundukang  dapat nating protektahan.

Natutuwa ako dahil dito sa Region 10, sa siyamnapu’t  tatlong (93) lokal na pamahalaan, dalawa (2) na lang po ang wala pang CLUP.

Nais kong muling banggitin ang apat (4) na LGUs na nakatanggap ng gold category award ngayong araw. Ibig sabihin ay na-aprobahan na ng sangguniang panlalawigan ang kanilang ginawang CLUP.  Ang mga ito ay ang bayan ng Baungon, Impasug-Ong at Kitaotao sa Bukidnon at ang bayan ng Mahinog sa Camiguin.

Congratulations sa inyong tanan (Congratulations po sa inyong lahat).

Doon sa wala pang CLUP, handa kaming tumulong sa inyo. Ang Housing and Urban Development Coordinating Council ay handa ring gabayan kayo sa pagbuo ng inyong local shelter plan upang higit pang matukoy ang inyong mga pangangailangan sa pabahay.

Sa katunayan, nakikipagtulungan kami sa United Nations-Habitat (UN-Habitat) upang isagawa ang pilot test ng shelter planning sa mga piling lugar. May elemento ito ng disaster risk reduction at climate change adaptation.  Kasama po sa pilot areas ang Cagayan De Oro.

Sa mga officers at board of directors ng federation of homeowners associations (HOA) sa Cagayan De Oro City at Misamis Oriental, isang pakiusap lang po. Gabayan ninyo ang mga miyembro ninyong hoa laluna ang bagong tatag pa lamang. Dahil kadalasan, ang di pagkakaunawaan ng mga HOA officers ay nagiging sagabal sa maayos na pagpapatupad ng programang pabahay.

Binabati ko pong muli kayo at ipina-panalangin ko na sana ay palaging malakas at matatag ang inyong mga samahan.

Nagpapasalamat din akong muli sa inyong lahat—sa LGUs, private partners, homeowners associations at iba pang kasamahan natin sa pagpapatupad ng mga programang pabahay ng gobiyerno.

Kung kami po ay nagsagawa ng CLUP Zero Backlog Program, ang hamon ko naman po sa inyong lahat ay gawin ninyong “zero homeless” ang inyong mga nasasakupan.

Dili sayon, pero kaya (Hindi madali, pero kaya).

Sa anumang hamon na ating kaharapin, kayo po ay makaaasa na ang mga ahensyang pabahay ng pamahalaan ay inyong kabalikat at laging handang umantabay sa inyo.

Mabuhay tayong lahat.

603926_660692260622275_128031021_n

1382072_660692273955607_863426223_n

 

1239795_660692083955626_354354730_n

 

photos and speech from VP Jojo Binay facebook page

Facebook Comments